Habang naglalakad at nagmumura kani-kanina lang papasok ng opisina, naisip kong parang naka-parallel ang adventure na yun sa buhay ko.

Ika nga ni JR, “hakbang, dulas, recover”.

Ganun naman yata dapat ang buhay eh. Kapag nadudulas, nadadapa, sumesemplang — bangon lang ng bangon. Hindi maganda i-dikit ang mukha sa aspalto, masyadong nakakapanlumo ang manatiling nakalublob sa putikan (nax, pampelikula).

Pero teka lang teka lang, eh bakit ako nagiging “hakbang, dulas, muni-muni, pilit-sa-sarili, recover” yung sa kin?

Yan, yan ang sakit ng mahilig mag-isip, yung mga tipong natitigilan na lang bigla at natutulala nang wala sa oras. Yun pala, nagtatagpi-tagpi na ng mga bagay-bagay, gumagawa na ng kwento, nag-fi-fit na ng piraso ng puzzle na nung isang linggo pa iniisip pero di naman ma-solve.

Hay, nakakapagod mag-isip. Dapat direcho na lang mula sa dulas patungong recover. Sana ganun kasimple ang buhay. Hay, sana nga, sana nga.