httpv://www.youtube.com/watch?v=lAWVrLlXEG8
Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y minamahal
Sana’y maunawaan mo na ako’y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y iniibig
Sana’y maunawaan mo na ako’y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
Ako’y hindi romantiko, sa iyo’y di ko matitiyak
Na pag ako’y kapiling mo kailanma’y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana’y huwag mong ikalungkot
Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y sinisinta
Sana’y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama’t kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
Halina’t ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y sinusuyo
Sana’y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo
[ Gary Granada ~ Kapag Sinabi Ko Sa Iyo ]
uy si Gary Granada! haha.. kala ko retired na sya.. naaalala ko ung sinayaw namin sa newbies sa work ko dati, ung song nya.. LOL
In lababo ka ba tina
@aleng haha, naalala ko lang yang kanta kagabi dahil sa diskusyunang politika at pagka-miss sa pinas na napunta na sa kung saan.
@toio yiz. panalo ever. naalala mo ba ang tulang ito → ang bersyon ko ng ksksi?