Tags

,

“oi!”

tumigil ka sa paglalakad, kumawala sandali mula sa kapit ng iyong sariling mundo, at lumingon-lingon. hinahanap mo ang pinanggalingan ng tinig na yun. saka mo lang nawari na gwakanangshet para kang na-time-space-warp.

ang setting: velasquez road  Emalapit sa college of science libe, up diliman. mga alas kuwatro ng hapon. circa early 2000-something. papaano kang napunta sa setting na ito?

suot mo ang iyong bugbog-sarado na sky blue t-shirt. nakasukbit sa isang balikat ang sky blue benetton backpack na na-i-slash na ng isang walanghiya sa ikot jeep. hawak ng kanan mong kamay ang sky blue mong file case. galit ka sa sky blue, obvious naman eh. sa isa pang kamay bitbit mo ang napaka-arte mong silver-grey (buti na lang di na sky blue) na toolbox.

nasa harapan mo na siya, hindi mo pa rin makita.

“huy, anu bah?” bulas niya sabay tapik sa balikat mo.

“aray naman,” reklamo mo. “kita mong bangenge ang tao eh, sasaktan mo pa.”

“wala ka na naman sa wisyo,” sabi niya.

“eh hindi ko na kasalanan yun,” sagot mo habang inaayos ang pagkakalapat ng backpack sa balikat mo. ibinaba sandali ang toolbox. hindi ka kasi mapakali kapag wala sa ayos ang mga bagay-bagay. “binabagyo ako ng problema. lintekang coe 115 na yan, inuubos ang oras ko para sa sarili. sasali pa ang coe 121 na dsp. kung pwede lang magmura sa gitna ng klase eh.”

“hindi mo pa rin ba napapagana ang 115 mo?” tanong ulit niya habang ikaw ay nagpalipat-lipat ng weight mo sa bawat paa. napakarami mong mannerism, hindi mo lang halata. pero baka siya  Esilang mga kaibigan mo, alam nila.

nagbitaw ka ng isang malalim na buntong-hininga, iyung tipong parang hinugot mula sa kaibuturan ng kaluluwa mo. leche kasing 115 na yan eh. “hindi pa rin, pakshet na yan,” sagot mo. “may gana pa talaga siyang inisin ako. ayaw talaga niyang gumana kahit anong gawin ko. kanina ko pa nga kinakausap eh. buti hindi sumasagot pabalik. pag nagkataon, tuluyan na akong nasiraan ng bait,” buntong-hininga ulit. “baka i-drop ko na iyung dsp. ikakamamatay ko yata ang sem na ito.”

“ano ka ba  Esumusuko ka naman agad,” sabi niya. “nasa kalagitnaan ka pa lang, may pag-asa pa yan.”

“nasa halftime pa lang ako, pakiramdam ko mamamatay na ako, pano pa sa 2nd half?” banat mo. ayus ang usapang basketball, alam mong kaya niyang sakyan ang mga analogies mo. “minsan kailangang tanggapin na mathematically impossible na ang manalo kapag down ka by 50 points.”

“posible naman  Ehindi ba iyang paborito mong koponan, nakagawa ng isang malaking 44-9 run sa isang quarter lang?” kamot-kamot ng ulo, sinusubukan niyang alalahanin ang mga triviang walang sawa mong ibinalandra sa kanya noon pa. “sino na nga kalaban nila nun?”

sinimulan mong maglakad. hindi mo alam kung saan ba ang direksyon niya nung tinawag ka niya kanina. kailangan mo na ring umuwi kasi. pero minsanan na lang kayo magkita ngayon  Ekasalanan ito ng acads mo.

sumunod naman siya at sinabayan ka niya maglakad.

“2006 opening night, versus houston comets,” sambit mo from memory. pambihira, ang mga sagot sa exam nakakalimutan mo pero itong mga tidbits na to saulado mo talaga. “22 down with 15 minutes to play, the storm kicked in a furious 44-9 rally to cool down the comets.”

“it was bloody awesome,” dagdag mo pa. hindi halatang masugid ka talagang tagasubaybay ng team na iyun no? “pero sakto lang yung moment nila. nagkataong swak sila sa panlasa ng isa’t-isa. assist dito, tres doon. through the needle pass to the post, board, 2 points. dribble,
dish, alley-hoop. astig kung iisipin mo. pero siguro umayon lang ang mga diyos ng basketball para sa kanila ng gabing yun.”

biglang sumagi sa isip mo  Enapaka-passionate mo pala sa team na ito. halos sila na ang magdefine ng mga emosyon mo. hindi ka natitinag ng mga 21.667% na score sa exams pero kapag natatalo sila parang gumuguho ang mundo mo. hay, kung pwede lang i-translate iyang passion na yan sa pag-aaral sana di namumugto ang mata mo sa puyat sa paghahabol sa mga lintekang subjects na yan.

“uwi ka na?” hinila ka na naman niya pabalik sa lupa. madalas pa rin lumipad ang isip mo.

“hala, hindi ba halata?” pabalang mong sagot. pero ayos lang yun sa kanya. alam niyang ganyan ka. alam niyang hindi mo sadyang makasakit. alam niyang caustic kang tao. ganun rin naman kasi siya minsan. sobrang sungit. “kailangan ko na umuwi. ilang araw na akong gustong isuka ng lab.”

“ah,” sabi lang niya sabay tango.

“ayun,” ang tanging sagot mo. yan ang default mong sagot kapag wala ka na masabi eh.

“jeep ka  Edami mong dala ah!”

“wala, hindi ko alam kung nasaan ang nanay ko,” umiling-iling ka pa habang iniisip mo kung nasaan na naman ang nanay mo. ayaw mo na lang isipin. “dala niya yung kotse.”

“ah.”

“ayun.”

nagpatuloy pa kayo sa paglakad. nalagpasan niyo na ang mga footlong carts sa gitna ng faculty center at AS. may kung ilan kang orgmates na nakatambay doon, marami sa kanila bata pa at nagsisimula pa lang maranasan ang impiyernong delubyong dulot ng eee. kaunting kaway at
“uy, kumusta na?” at nagpatuloy kayo sa paglakad papuntang waiting shed ng fc.

“kumusta na nga pala kayo ni *ano*?” bigla mong naalala. ayan naman kasi  Eparating sarili mong problema ang naiisip mo. hindi man lang sumagi sa kukote mo na baka yung iba kelangan rin ng makikinig sa problema nila. masyado mo pa naman pinagmamalaking magaling kang
listener tapos wala, olats ka pala.

“wala na kami,” sambit lang niya sabay tingin sa malayo at umiling.

“huwaaaat?!”

“ldr’s are fucked up, dude,” sagot niya sa ‘yo. pagkatapos ng konting iling ulit ng ulo at isang malalim na buntong-hininga, dinagdag niya ang, “wala naman na talaga akong magagawa eh. may na-meet siyang iba.”

“that sucks,” yan na lang ang nasabi mo. sa totoo lang, hindi mo alam ang sasabihin mo. hindi mo pa naman naranasang magkaroon ng karelasyon, lalong hindi ang makipag-break. “shet yan ah.”

“eh ganun eh,” sabi niya lang ulit. pag ganyan na ang mga sagot niya, alam mong hindi mo na dapat ipilit ang mga pagtatanong. at alam mo ring hindi mo kayang magpayo ng kahit ano sa kanya, kasi ano ba naman ang alam mo di ba?

“ganun nga talaga siguro yun,” yan ang automatic mong sagot sa lahat ng mga reklamong naririnig mo. “ikaw na rin nagsabi sa kin, na ika nga ng tatay ni calvin  Eit builds character, dude, it builds character.”

“bwiset,” sagot niya. “i have more character than all these morons put together will ever have.”

sabay kayong nagbuntong-hininga. kahit ano pa ang sabihin mo, alam mong hindi naman mababawasan kung anong sakit ang kinukubli niya. sa paniniwala mo kasi, sa masokista school of thought, lahat ng sakit dapat dinadama, ninanamnam, hinahayaang maranasan. kasi nga it bloody
bleeping builds character. tofungina yang building of character na iyan  Ewalang katapusan.

“sasamahan kita sanang uminom pero deadline ko ng 115 bukas,” sana maintindihan niyang siya ang uunahin mo kung kaya mo lang. “pasensiya na.”

“ayos lang,” umismid siya ng kaunti pero alam mong ayos na yun sa kanya. yun yata ang equivalent ng ngiti para sa kanya eh. “basta, oi, iyung sinabi ko sa yo.”

“alin dun?”

“anak ng tokwa, ilang minuto pa lang lumilipas, nakalimutan mo na?”

“eh bakit ka ba nangingialam eh utak noodles nga ako?”

“iyung give up give up halfway na iyan,” pasensiyoso ang mokong. parang ayaw kang tantanan talaga. eh sa gusto mo na talagang i-drop iyung lintekang subject na yun eh. “laban lang, dude. kung bagsak, eh di bagsak.”

“tell that to my transcript and to my mom,” gumanti ka ng ismid. ano ba sa akala niya — monopolized niya na ang pagiging masungit on the face of the planet earth? ba, isa ka rin sa pinaka-sarcastic at masungit na tao kung may topak ka ah. “ayaw ko na eh. napagod na talaga ako. hindi ako nag-eenjoy talaga. parang kailangan kong magpasirko-sirko para lang pumasa dun. yung mga tambling ko hindi basta-basta tambling lang  Ekailangan ka-level ng mga tambling ng pep squad. kaloka.”

“yan hirap sa yo eh,” nag-tsk-tsk-tsk pa siya. aba, gaya-gaya sa yo. “kapag masyado kang nahahassle, ayaw mo na.”

“eh ganun eh,” wala ka na lang masabi. hindi mo alam kung papaano idedepensa iyang paniniwala mo na kapag mathematically impossible nga naman, what’s the bloody point of going through the whole thing? wtf for di ba?

“ayokong sabihing ganun na nga lang talaga yun,” makulit siya  Ekakaiba sa pagkakakilala mo sa kanya. madalas hahayaan na lang niya kasi ang isang bagay kung talagang ayaw mo na. “take a risk, take the plunge, go for the moon, reach for the stars.”

“‘nyeta, ayoko na ng ganyang usapan,” simula ka nang maasar. sa isip mo kasi, kapag lalo kang napipilit lalo ka lang natutulak palayo. “ayan na yung sm north na jeep, kailangan ko na umuwi.”

“sige sige,” pansamantalang ceasefire ito. pero may pahabol pa na, “huwag mo i-drop. madali lang gawan ng paraan iyan.”

“bahala na si batman,” sagot mo bago hinigit ulit ang backpack at naglakad papunta sa nakatigil na jeep. “saka mo na lang ako sermonan ulit.”

“oks.”

“oks.” tango ka. ganyan ang kaway niyo eh  Emaangas na tango. “sa sunod na lang.”

“sige sige.”

sumakay ka na sa jeep at nagbayad. pinuwesto mo nang maigi ang mga kagamitan in such a way na hindi mahahablot ng kung sinumang walanghiya ang celphone mo, hindi malalaslas na naman ang
pinakamamahal mong backpack, at hindi madukot ang wallet mong laman ay ang buong buhay mo. sa likod ka ng driver at pakiwari mo naman matino ang katabi mo  Emukhang freshie eh. at dahil antukin kang sobra, maya-maya lang ay naka-idlip ka na. nakakaantok naman kasi talaga ang
biyaheng up – sm north.

“oi!”

naalimpungatan ka  Epero ngayon, wala ka sa loob ng jeep. napapalibutan ka ng nakakahilong tsekerd na kurtina, tsekerd na kumot, tsekerd na higaan, tsekerd na mga kahon, tsekerd na placemat, tsekerd, puro na lang tsekerd.

“oi, ala-una na, bakit nandito ka pa?”

roommate mo pala yung nagsasalita at nasa pintuan mo na siya. dahan-dahan kang gumalaw muna sa pagkakahiga mo sa mahal mong upuan.

disyembre 2007. shattoru buraun, nagayama, tama-city, tokyo, japan. shet, eto yung present ah.

“ha?” very eloquent naman ng sagot na yan.

“ala-una yung lakad mo, ano ka ba?”

“huwaaaaat?”

napatayo kang bigla. nahilo siyempre. natigilan sandali, mga ilang minuto lang. ilang minutong sapat (ang tanong — sapat nga ba?) na para mapag-isipan mo kung anong mensahe nga ba ang dala ng iyong twilight zone moment.

“huwag ako mag-drop ng coe 121,” bulong mo sa sarili mo. “eh ponyetters, binagsak ko rin ang removals nun kasi tinamad akong mag-aral.”

hindi, hindi nga sapat yung ilang minuto na yun sa kabagalan mo or ka-dense-an mo. eh pero bakit nga ba naman — eh sa slow ka on the uptake ano ba magagawa mo dun? sumalampak ka na lang pabalik sa upuan mo kasi nag-o-auto-shutdown na naman ang utak mo. hindi nito kaya ang malupitang metaphorical thinking. alam mong hanggang wyswyg ka lang.

“oi, galaw, galaw!”

pero wala ka pa sa mood tumayo. nakatigil pa rin ang mundo mo, may infinite loop sa utak mo kung saan pina-process mo pa kung gagawin and/or itutuloy mo pa ba ang binabalak.

don’t give up half-way.

“don’t give up half-way,” inulit mo pa sa sarili mo, parang mantra kumbaga. “don’t give up halfway.”

“uy astig tong nasa explore ng flickr o,” sabi ng roommate mo habang nag-ba-browse siya ng featured na mga litrato sa flickr.com.

“tingin nga,” sa wakas tumayo ka na sa upuang may hulma na ng katawan mo. pasuray-suray kang lumapit sa may labas ng pintuan mo, parang hindi ka nagmamadali ah. “ano meron?”

tinignan mo ang litrato sa screen ng laptop niya. naka-macro (sadyang malapit lang at nagtatanga-tangahan ka na naman sa depinisyon ng macro) ang isang fortune cookie (o papel mula sa isang fortune cookie) at ang sinasabi nito ay …

“don’t give up. the best is yet to come.”

“haha, yun naman eh,” natawa ka na lang. hindi mo alam kung maaaliw ka o masisira ang ulo mo sa mga ka-kosmikan ng mga bagay-bagay. parang lahat yata ng pangyayari sa araw na to ay itinutulak ka sa isang direksyong hindi mo naman alam kung ano ang kahihinatnan. “tsk.”

tinitigan mo pa ulit ang litrato atsaka itinaas ang kilay. ano ba tong universe na to? kailangan ba magkaron pa ng conspiracy ang lahat ng bagay para sa … para sa… ah letch, hindi ka bibigay at maniniwala na lang basta-basta sa ponyetters na pinagsasabi ni paulo coelho.

umikot ulit ang mga mata mo, at napatingin ka sa full-body mirror sa sala niyo. tinitigan mo ang sarili, ang mga mugtong mata kagabi ay parang nabuhay, ang malungkot na mukha ay parang lumiwanag.

gaggers ka, mumurahin mo pa si coelho eh konti na lang maniniwala ka na rin naman.

“so gagawin mo na nga?” ang sabi mo sa iyong repleksyon. “bawal ang give up?”

buti na lang hindi ito sumagot. kung nagkataon, tuluyan ka nang nasiraan ng bait. teka lang, parang naulit na yun ah. de ja vu amfufu. ewan.

bumitaw ka nang malalim na buntong hininga.

“huy, sobrang late ka na!” reminders, reminders, reminders. parang snooze alarm si roommate.

umikot na lang (ulit — naku baka maging automatic yan hala ka) ang mga mata mo pero may naka-plaster nang ngiti sa mukha mo. “i knoooooow”, yan na lang ang nasabi mo bago ka tumakbo papuntang banyo.

don’t give up.

the best is yet to come.

whatever it was, whatever it is, whatever it will be.

basta the best is yet to come.

hee.

————————————————–
notes:

ang sinasabi kong litrato ay eto –>
http://www.flickr.com/photos/kaitlynguns/2577742871/

coe 115 – microprocessor-based design
coe 121 – introduction to digital signal processing