Tags
So, kunyari may doppleganger ako. Tas pumunta dyan at kausapin ka, pano mo malalaman na fake yun? Bawal magtanong, kakausapin mo lang. Bigay kang 5 details na titignan mo para masiguradong ako nga yun.
Ready! Aim! Fire!
MARCT (**new**)
1. kukunan kita ng picture tapos pag hindi mo nilukot iyung mukha mo hindi ikaw iyun — pero pag film gamit mo baka pagbigyan kita at umayos ang mukha ko.
2. lalaitin ko sa harap mo ang seattle storm at si sue bird — ang tunay na tinats ay magrereact ng “akala ko ba kaibigan kitaaaaa?”
3. kakain ako ng ube sa harap mo tapos kunwari sarap na sarap ako. — yaaak, dude, yaaaaaaaaaaaaak!
4. hihiramin ko iyung camera mo, tas titingnan ko, feeling ko lang dapat maraming self-portrait dun. — ahahaha vain na kung vain, bakit ba? kelangan sa project 365 yun :p
5. magjo-joke ako, tas dapat di ka tatawa tas sasabihin mo lang “korni” — bwahahahaha, ganun ba ako palagi? *scratchhead*
MEEMAX
1. bading talk, lalo na ang word na”kebs”. — hahaha, kebs
2. mabilis sumagot, kahit “kebs” lang ang sasabihin. — a talaga? kebs.
3. malilimutin. — bakit na nga ba ako nagsusurvey? *scratchhead*
4. antukin. sleep anywhere anytime (parang guia). — oh yeah. swak.
5. dangle a checkered thingy in front of your face, tignan natin kung di ka magreact. — yosh!
LAIZEE
(1) pipicture-an kita. pero kapag ngumiti ka nang maayos, hindi ikaw yun. — nagiging default answer ito.
(2) magpe-play ako ng kahit anong bring it on movie, kapag di ka sumabay sa dialog, EKNL. — ready?! okay! shabooya-sha-sha-shabooya!
(3) pag may nakakatamad gawin na kelangan na gawin at di ka nagreklamo, na-body snatcher ka na. — haaay, mendoukuseeee!
KROTONE
1) kung nerdoks ang salita — oi di ako nerd no
2) “hanubah!” — hanubaaaah!
3) other salitang bading hehehe — kasi ako lang mahilig magganun sa barkada
4) un pagblow ng cheeks … pag nag-eexplain ka or nag-iisip binoblow mo cheeks mo. — imperness, di ko alam to, krotone. may ganung factor pala ako?
5) mahilig magexplain! — may nagsabi na sa kin dati neto.
ATHAN
1) tutsang yung baby hairs mo na nakatayo — tutsang pala tawag dun.
2) sabihin ko na lang di magaling si bird. tapos hintay ko react. — anak ng tinola, away na ito!
3) bibili ako ng coke tas aalukin kita ng pepsi. — di na ko nagko-coke ngayon. pero magrereact pa rin ako.
4) pipicturan kita tas tignan ko pano posing mo. pag matino yung picture hindi ikaw yun. — default answer.
5) pwede siguro sabihin na. mas magaling mapua sa up. hehehe.or circuit sa erg. or ust sa cheerleading. — bwahahaha. away na naman. magngangalit talaga ako haha.
RHODHOLFHO
1) tutuksuhin kita kay gab. dun pa lang huli na sya sa isasagot nya. — ano ba dapat sagot? tipong “wag ganun! umayos ka!”
TOIO
1) tatakbo ka kapag nakita mo ko kasi ayaw mong mag-pa-hug. — hindi na ko tatakbo. kasi di na kaya ng lungs kong patakbuhin ako :))
2) kakantahan kita ng weezer song tapos dudugtungan mo. — yosh!
3) nerd ka. — once more with feeling, HINDI AKO NERD!
4) allergic ka sa cigarette smoke, so ma-a-atching ka ka agad. — di ako ma-a-atching pero walang katapusang itchy nose naman.
5) itetest ang memory, pero paradox siya. pag naalala mo, ikaw yun. pag di mo maalala, kasi makakalimutin ka, ikaw yun. — oo nga naman no?
TRINJY
1) Bibigyan ko ng food tas after 5 minutes dapat wala na siya gana. — yon, or tapos ko na ang food within 5 minutes.
2) Papatulugin ko tas mag-alarm ako tas after 100 snoozes pa siya babangon. — right on!
3) Papipiliin ko between Storm at LA SpOrks, dapat Storm ang piliin niya. — susmaryosep naman talaga kahit anong team vs. LA, yung any team na lang no.
4) Sabihan ko na merong may crush sa kanya tas deadma at bato lang siya. — hee ^_^ sadyang ganto na talaga eh.
5) Sabihin ko na Michelle P-fay-fer ang tamang pag-pronounce at maniniwala siya. — hoy grabehan, malakas ka sa kin kaya lahat ng sinasabi mo pinapaniwalaan ko. :p
AMPZ
1) Unang-una, naka-stripes ba siya? — oi di ako naka-stripes ngayon, so doppleganger itong nagba-blog?
2) Pangalawa, 4’11” ba siya? — lech, bawal nga physical eh.
3) Pag tinanong siya kung sinaniban siya ng full moon.. ang sasagot niya… or :”> or waahahaa :)) — wahahaha. ewan ko sa yo
4) Ang tawag niya dapat sa akin ay AMPZ — aba dapat lang, julio!
5) kung papipiliin siya ng object vs. lens.. lens ang pipiliin niya sa una… — hoi, di ko kinukumpara ang lahat ng bagay sa lens
6) pang anim mahilig mangdila… —
7) antukin — amen.
——————–
List mada under construction. Hehe. Iyung ibang kelangan ko i-survey ay nag-MIA eh. Interesting pa naman ang mga sagot nun, at baka di na ka-post-post Hehe.
idadagdag ko pa sana yung mannerism mo sa labi/nguso e. kaso hirap i-describe. kelangan video eh. XD
ahaha. oo nga ano?
pagblow ng cheeks <– ay trulala itu!
o di ko nga alam yun. pano ba yun? titignan ko na nga ang sarili ko next time.