Tags
In physics, density is mass (m) per unit volume (V), the ratio of the amount of matter in an object compared to its volume.
In case of a homogeneous substance, the formula for density is:
where, in SI Units:
ρ (rho) is the density of the substance, measured in kg/m3
m is the mass of the substance, measured in kg
V is the volume of the substance, measured in m3
Density can also be defined as concentration — the spatial property of being crowded together.
Pero keber diyan sa formula na yan. Panggulo lang yan hahaha. What I really want to talk about is a person’s being dense. As in, tipong nasa harapan na niya yung isang bagay na dapat ma-gets niya, hindi pa rin niya nakikita. Dense. Ganung tipo. Iyung sobrang oblivious to subtle hints, hindi maka-recognize ng mga ginormous signs even if those signs danced naked in front of them.
In a way, pwede pa rin i-relate yung formula. Sabihin natin parang screen siya in front of the person, pang-filter kung baga ng light na papunta at pabalik sa eyes, pang-limit ng kung gaano ka-clear ang nakikita. The more mass over unit volume, mas maraming particles na nagsisiksikan, lumiliit yung spaces in between, para mas matakpan yung mata. Ergo, lalong lumalabo yung tingin nung tao, lalong hindi niya nakikita, lalong hindi niya narerecognize yung mga signs na dapat naman nakikita niya. Mas dense, mas bulag. Keri?
Anyway, walang point ito haha. Gusto ko lang uriratin ang sarili ko. Ang alam ko kasi, hindi naman ako dense. May kung anong warning bells akong super-sensitive kapag may kakaibang pangyayari na sa paligid ko. Like may isang pangyayari noon, I could see the whole bloody scenario months bago pa naging klaro ang lahat (hindi ako dense or sadyang feeling lang talaga ako — I’m picking the former :P). May kung anu-anong passive-aggressive tactics pa akong ginawa nun para lang ma-ward-off siya. Kasi nung nakita ko na agad yung signs, dapat nip the whole thing in the bud pa lang before everything gets ugly, di ba?
Focus – maximum clarity or distinctness of an image rendered by an optical system. Also the adjustment of the distance setting on a lens to define the subject sharply.
Eh pero minsan din kasi, sa iba rin tayo naka-tingin, sa iba ang focus natin, kaya minsan mayroon din tayong namimiss. Parang focusing lang yan sa photography eh. Kapag sobrang taas ng aperture value mo (mababang f-stop, like f/1.4, for example), isa lang yung pwede mo i-focus. Either yung nasa likuran, or yung nasa harapan. Ako pakiramdam ko sa malayo ako naka-focus, hindi ko nakikita yung mga bumubulaga sa harapan ko. Hindi ako siguro dense talaga, baka I’m just busy looking at the big picture kaya I’m missing the significant little details. Or baka rin it’s the other way around, I’ve been trying to concentrate all my attention and energy on something kaya I’m missing the big picture.
Ah ewan haha. Ang gulo ko na naman. Hindi na ako magtataka kung walang maka-gets neto. Kahit ako hindi ko rin naiintindihan eh. At kumusta naman, patapos na itong entry na to, hindi ko pa rin mapagdesisyunan kung dense nga ba talaga ako or nag-de-dense-dense-an lang. Aaaaaarrrrggghhh, wala akong makitang kung ano. Baka dense nga talaga siguro ako.
Ikaw — ano sa tingin mo?
dense ka… ay hmmm.. di pala… nagdedense-dense-an lang
hahahah… ako kaya? hmmm… hahahah :))
nga pala… see kanerdoksan na naman o!!! hahahaha
kaye: hmmm. ikaw? wahahaha. ako pa tinanong mo di ko nga alam kung ano ako wahaha.
*nose bleeds*
ang galing nung live traffic feed!:D
nagdedense-dense-an ka lang. wahahahaha! pansinin mo na kasi yung signs lalo na if they are already dancing naked in front of you. hehehehe!
BACH naku, pahiran mo na yang tumutulong yan :p
mach ano ka ba, ngayon mo lang napansin yan? hahaha.
madam grabe kayo. tunay na dense talaga ako. nagko-concentrate na nga ako wala pa rin ako makita eh