Napakaraming metapora ang pwede mong maisip sa larawang yan.

Itinapon.

Hinindian.

Inayawan.

O di kaya sadyang hindi na lang binigyan ng kaukulang pansin.

Rejected.

Unrequited.

Kawawa naman ang nagbigay niyan.

Pero kailangan niyang tanggapin na may mga bagay talaga sa buhay na wala kang kontrol, na may mga resultang hindi mo inaasahan, na hindi lahat ng inaalayan mo ng lahat mo ay tatanggapin iyun nang buong-buo.

Sa panaginip lang nangyayari yun. Hindi sa tunay na buhay.

It’s the stuff of fantasies but never of reality.

Kaya isipin na lang na ganun talaga, ganun talaga, ganun talaga, lintek naman na yan talaga.

Pero ayos lang yan. Kasi sabi nga ng tatay ni Calvin (ng Calvin and Hobbes), “it builds character”.

“It builds character.”

Para namang nakakawala ng sakit yang “it builds character” na yan.

Kung ang buong pagkataong inaalay mo ba ay itinapon, anong karakter pa ang mabubuo mo?

Meron pa ba? Meron pa kaya?

Itinapon.

Hinindian.

Inayawan.

Kawawa talaga ang nagbigay niyang bulaklak na yan.

——————————

Nakita ko ang bulaklak na yan na nakalupasay sa may semento habang ako ay nakatayo sa harap ng Minami-Osawa Eki kanina at naghahanap ng mga lolo’t lolang magkasama na pwede kong isali sa aking They Come in Two’s set. Naintriga ako sa maaaring naging istorya niyang itinapong bulaklak.

Haha, pero baka kelangan i-apply dito ang Occam’s RazorΒ  Principle (shave away all unnecessary assumptions and get to the point the easiest way possible). Baka naman kasi nalaglag lang siya ng kung sinuman at hindi naman talaga ni-reject. Hehe. Di ba?