Napakahirap ang mawala sa Shinjuku-Eki,
napakaraming lilikuan, napakaraming dadaanan;
malalang nagsusumiksikan ang mga taong
nagmamadaling makarating sa nais patunguhan.
Nahihilo na ako’t di ako magkandaugaga
sa pagtingin at pagbasa ng mga karatula
na mukhang nanggaling pa sa ibang planeta,
hiragana, katakana, hieroglyphics, nak ng tokwa.
Pero hala, teka lang, nasaan na ba ako?
Di ko na maalala lahat ng padiretso’t paliko-liko.
Para pala itong pagbabasa ng utak mong kumplikado,
ilang buwan na ang dumaan, naliligaw pa rin ako.
[ 2008.03.21 ]
Photo by shamam
Nawala ako sa Shinjuku Eki nung March 16, 2007. Haha ang kapal ko naman kasi, sa lahat pa ng pipiliin kong pagpalitan ng linya ng train ay Shinjuku pa. Eh etong Shinjuku ay isa sa busiest train stations in the world. Tsk.
PS — kaya ko na magpasikot-sikot sa loob ng eki pero hindi ko pa rin kaya lumabas sa tamang labasan. Ang dami naman kasing exit no.
Pingback: Home Court 2.0 » Blog Archive » Kore wa Sarada Desu