hindi ko alam kung papaanong nakarating ako
sa mundo mo kung saan ang mga kaluluwang
katulad ko ay wari’y may nakatakdang espasyo.
hindi ko maintindihan kung papaanong nabihag
ng mga salitang iyong isinusulat ang pariwarang
puso kong takot sa kahit na anong hindi pamilyar.
sana sana maramdaman mong may naliligaw
sa mundo mo, naghihintay, nagmamasid, umaasang
sana sana ikaw naman ang maligaw sa mundo ko.
nga naman. nakakapagod na kase eh. ikaw naman maligaw sa mundo ko, pahinga muna ako. hehe.