Ganito pala ang pakiramdam
ng taong tuloy-tuloy na nalulunod.
Kahit anong pilit mong umahon,
ang pagkakataon ayaw talagang umayon.

Ganito pala ang pakiramdam
ng nawawasak ang puso paunti-unti  E
nadudurog, nagpipira-piraso, natutusok
ng mga karayom hanggang tumigil sa pagtibok.

Ganito pala kapag nasasaktan,
nakakamanhid, nakakatanga naman pala talaga.
Nakakasira ng ulo, nakakabuwang,
parang nilalatigo ang sugat na nakatiwangwag.

Ganito pala  Epunyeta naman o.
Bakit ko ba hinayaang sarili’y makaramdam?
Lintek namang gulo itong sinuong ko,
nadamay na naman ang naghihingalong puso ko.

[ 2008.01.30 ]