psst … pwede bang umupo sa tabi mo?
makikitambay lang naman sana ako.
sana ay ayos lang sa ‘yo,
kwentuhan, katahimikan, kahit na ano.
saktong daldalan lang naman ito,
sabihin mo lahat ng gusto mong ikwento,
ke walang kwenta o di kune-kunektado,
sige lang, makikinig pa rin naman ako.
psst … pwede ba umupo sa tabi mo?
hayaan na lang muna ang buong mundo;
ayos lang ke umikot o huminto man ito,
ayos lang kahit nandyan ka at nandito ako.
[ 17:01 2008/05/08 ]
Photo: “Saktong Kwentuhan Lang” | Originally uploaded by kilcher
ang gandang gawing kanta!!! hehehe, mangontrata ka na ng taong maglalapat ng musika. o baka gusto mo rin magventure sa pagcompose ng music?
hehehe
sinubukan ko na, bano lang talaga ako sa ganung aspect :p
uyy.. sino gusto mo tabihan? hehehehe
@kaye: kelangan talaga may ganyang tanong eh no?
pero sige sasagutin ko. WALA NAMAN. ijou desu. :p
Kanina pa tayo magkasama
Umaga na pala, maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo’y pagod, buong mundo ay tulog
Ikaw at ako dere-deretso lang na walang pakialam
Kwentuhan lang wala namang masama
Oh usap lang ibaon mo na sa limot ang lungkot
Tatawa tayo sabay seryoso
Unti-unti kang nakikilala, ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi tahimik ka lang palagi
Ngunit ngayong gabi parang kay rami-rami mo nang sinabi
Kwentuhan lang wala namang masama
Oh usap lang dahil gusto kitang makilala’t makasama
Umaga na
Tulog ka na
Kay himbing mong managinip
Ang sarap sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako? O dito muna siguro?
Samahan muna kita dahil parang ayaw mong mag-isa
Samahan ka, wala namang masama kung samahan ka,
Hanggang lungkot ko’y makatulog din
~ o yeah! SF!!!
psst … pwede ba umupo sa tabi mo?
kung saan natatanggal ang bagabag ko
Sa tabi mo, pwede ring nakahiga o nakatayo
ayos lang BASTA nandyan ka at nandito ako.
Haarrrr… Mga tulang IKAW na naman to. Hehehe.
Sorry wala akong talent mo.
Ginawan ko ng 5th stanza
Na tingin kong ma s nakakaintraga.
Kilig, harurot at aming nadarama
Kaming mga fans mo mula sa masa
@yeba! @meemax: yon naman eeeeeeeh :p
@meemax: may dahilan ang choice of words ko sa sentence na hinighlight mo
lahat naman may dahilan. amfufu kahit ang pagtigil ng lilintiang tren kanina sa tamagawagakuenmae na boiset talaga panira ng umaga! grrr.
haha, wala akong matinong masabi kundi GRRRRRR kakairita na yang odakyu na yan ah.
Parang gets ko yung choice mo ng KAHIT.
Meaning kahit nandyan siya at nandito ka (magkalayo kayo), ayos lang.
Ayiiiiiiiiiiii. Tulang IKAW na naman.
Dumating na sana IKAW. Oo IKAW na iintindi sa kaOC-han, kabaliwan ni Tinats. Mwah! Flower vase ako!
flower vase? huh?
*scratchhead*
hanudaaaaaaw?!
flower vase ako sa kasal mo at ng IKAW mo. hehek
@meemax: hala, kasal na ang usapan wala pa nga, hindi pa rin siya dumadating anubuzz!
dali samahan mo akong magsisigaw sa pagtatanong ng —
“Hoy, IKAW, what the hell’s taking you so long?”
Hee.
ay kung marami lang akong alam na chords ang sarap ngang lagyan ng tunog
ang alam ko lang ay DAGA e 
@seer of brennin: wala, di na kailangan. burahin na natin sa memorya na sumulat ako ng ganito. baka burahin ko na rin to after a few days.