At kung sakaling dumaan ako at pinalagpas mo,
tanggapin na lang na ganun talaga ang buhay siguro.
Siguro nga hindi talaga tayo dapat magtagpo,
siguro hanggang panaginip ko lang ang lahat ng ito.
[ 2008.04.27.20.59 ]
Kung dumaan man ako at mangyaring parahin mo
ay titigil naman ako at uupo sa tabi mo.
Sasamahan kitang panoorin ang magulong mundo,
magulo ngunit kapag kasama ka ay nagiging kalmado.
Ngunit hindi ko alam kung hanggang saan,
hanggang kailan ba mananatiling ganyan.
Hihintayin na lang bang gupuin ng umay?
Hahayaan na lang bang mawalan ng saysay?
At kung sakaling dumaan ako at pinalagpas mo,
tanggapin na lang na ganun talaga ang buhay siguro.
Siguro nga hindi talaga tayo dapat magtagpo,
siguro hanggang panaginip ko lang ang lahat ng ito.
tumitigil lagi kung pinapara
ngunit laging pinapalagpas kung dumadaan.
shet, bitterness itoh! hehehehe
bitterness tas big-grin? hahaha. lakas rin ng topak mo, madam, eh no? :p
hay… bitterness galore!!! sigurado kang walang pinaghuhugutan yan? hehehehe…
@kaye: haha. wala, wala talaga :p san ko naman huhugutin yan aber?
baket kelangan maghintay na parahin ka pa?
hinto na lang kagad
@erika: ngek, eh di para kang jeep sa pinas? yung hinto ng hinto na hindi naman pinapara? sagabal sa ibang pasahero (bagay sa buhay mo) di ba?
isa sa mga komentong napaisip ako (galing sa isang taong ayaw magpost ng comment dito pero sa ym game naman siya):
o davaaaah? ayosh.
sino nagsabing kelangan mo maghintay na parahin ka pa? baket kelangan na pagpara yung mauna?
kelangan may mauna.. mauna siya papara para huminto ka.. o di kaya hihinto ka para makita ka nya
tsaka ano ba kasi talaga tinutukoy mo? yung ibang mga bagay, worth stopping for =P
ano ba to, Ode to an Ice Cream Cart?
o yan dito na ko magco-comment
baka kaya ayaw magpara ay takot masagasaan…
at kung hindi naman tumigil ay baka may sakay ng iba…
hahahaha!!! kang! ikaw pala un ayaw magcomment pero sa ym game? hehehhe
mas madali kasi kung may papara kasi pano kung huminto ka para makita ka nya pero di ka nya nakita.. tas di mo rin napansin ang pagdaan nya, e di naghintay ka sa kawalan? hehehe…. sabi na bitterness galore ito e
@erika: hindi ko alam kung bakit pagpara ang dapat mauna. sabi ko nga may mga jeep na tigil nang tigil kahit di naman pinapara di ba? pero yun, sa tingin ko kasi yun ang natural order of things chuvachuchu. haha. ewan :p at mahirap rin huminto ka nang wala lang, ano yun, just for fun lang? nakakaburaot iyung hinto ka nga, di ka naman nakikita, hindi ba? letche kasing ice cream cart yan eh, bihira lang dumaan sa may kalye namin (huwaaaaat?)
@jeyel: ui, ayos yan ah. ang galing ng naidagdag mo
@krotone: hindi si erika yun. heeheehee. xoxo, ang mitsa ng bitterness ng mga tao. napaghahalata ka daw na bitter sabi ni erika hahaha.
may mga biyaherang hindi tumitingin sa daan habang naglalakbay.
sadya iyon. dahil hindi na naman nila alintana kung sakaling matapilok, madapa at matalisod sila. at hindi na rin alalahanin kung mabangga, mabunggo o mamatay pa sila sa daan. ilang daan-libong beses na rin siguro sila nasagasaan, iniwan, naiwan, napag-iwanan o hindi hinintuan.
may mga biyahera ring naliligaw ng daan. pwedeng sadya iyon o hindi. depende kung masunurin sila sa mapang nakikita ng mata o depende kung masunurin sila sa direksyong saliwat sa tinatahak ng mga paa. maaring may malaking sira na rin ang makina ng sasakyan nila. maaring mabigat ang mga bagaheng dala-dala nila. ilang daan-libong beses na rin siguro silang nawalan ng preno, humarurot, dumausdos, bumangga, nasiraan.
ipinta sa larawan ang mga imaheng iyan. mahirap magtagpo kung ganyan ang eksena. magkikita lang sa mata, sa tabi ng isa’t-isa. uupo at papanoorin muna ang mundo. tapos, maglalakbay na nang sabay, SIGURO.
ayos ang thread ah :))
well, para sa akin, sana kasi alam nila kung kelan nila kailangan huminto para sayo at kung kailan ayaw mo sila tumigil sa harap mo kung di mo sila pinapara. unfortunately, long shot ito. pero minsan nakukuha rin naman sa eye contact
reality is, kelangan mo talaga pumara ng gusto mong sakyan. sadness na lang talaga kung puno na siya at wala nang bakante para sa iyo. alangan namang pagsiksikan mo pa sarili mo o sumabit na lang. sabagay pwede ka naman sumabit kung adventurous ka :))
@gbvyhan: waaaaah. astig \m/.
delikado nga ito ah. pero minsan rin kasi sa ibang bagay nakalagay ang pokus. yung gustong makita lang rin ang nakikita talaga. so kung may nakaabang man sa tabi na hindi kapansin-pansin, ay sorry na lang siya. ke pumara man siya o hindi kung hindi talaga siya hihintuan, tsk na lang.
hindi ako pwede sa kategoryang ito. masyado akong nabwisit ng nag-crack ang kuko ko kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
haha. o sige hanapan mo ngayon ng konek yan :p
@madam: mahirap alamin kung kelangan pumara or kelangan huminto. mahirap manghula. bihira lang ang mga madam auring at nostradamus at matt parkman na tao. nakakabuwang ang pagbabasa ng mga signs. (gusto ko pang isali dito ang mga taong kahit hampasin mo na ng signs ay keber pa rin pero saka na lang yun haha).
amen to that. at naku yang mga klase ng adventure mo kasi, parang ikaw ang gumagawa ng sarili mong problema eh :p joudan dake haha.
right you are! ang hirap manghula at mamatay na sana ang lahat ng mga manhid sa mundo. bad. wehehehehe
diba jokes are TWICE meant? :)) pero tama ka. wag mo ko tularan
potek kasing mga “what-ifs” na yan.
@madam: hoy hindi pwedeng mamatay lahat ng manhid sa mundo. ilang beses na rin akong nasabihan na manhid anubah. ayoko pa mamatay!
jokes aren’t TWICE meant. jokes are DOUBLE meant. amfufu. sarap ko batuhin ng sapatos wahahahaha.
at ay sorry na lang, hindi ako mahilig sa WHAT IFs. ang lahat ng nangyari, nangyari na. tanggap na lang ng tanggap. wala ka na naman na magagawa kahit magwa-what-if-what-if ka pa eh, dabounce?
At kung sakaling dumaan ako at pinalagpas mo,
tanggapin na lang na ganun talaga ang buhay siguro.
Siguro nga hindi talaga tayo dapat magtagpo,
siguro hanggang panaginip ko lang ang lahat ng ito.
<– I hate this. Reminds me of the saddest anime I ever watched! Kahapon lang ha. Dahil dun sinusumpa ko na lahat ng anime. Ayoko nang manuod ng anime. LECH! Talaga yung anime na yun. TIngingiignignigngingg. Nadepress ako buong araw. Kaasar.
@meemax: siyempre kelangan ko itanong ang tanong na ito, anong anime yan ha? pengeng kopya!
(saddest anime nga eh, papanoorin ko pa. ibang lebel na ng pagkamasokista ito.)
mga bitter kayo!!! hehehe
bakit ba ang dadrama nyo online?wahahahahaha!
@erika, @mach: wahahahaha. wala na nasabi eh no? wahahaha na lang.
at kung sakaling di ka pinara
idaan na lang wahaha-haha
marahil di alam kung saan ang punta
wala ka kasing karatula…
jok:p